
Alinsunod sa lumalaking agwat sa pagitan ng GMA at ABS-CBN, tila magkaibang direksyon ang tinutunton ng dalawang TV Networks kung ihahambing sa parehong panahon noong nakaraang taon.Patuloy na lumakas ang mga programang Kapuso, samantalang dumudulas pababa ang mga programa ng Kapamilya Network.Dahil sa roster ng award-winning news and public affairs programs at top notch entertainment shows, nahigitan ng GMA ang ABS-CBN ng 119,973 households o halos 600,000 na manonood sa buong bansa, ayon computation na may limang tao sa bawat household.Bunsod nito, nakuha ng Kapuso ang 40% ng TV ad spending ng mga advertiser nitong July at August.Una ang Kapuso Network sa key markets ng Urban Luzon at Mega Manila na karampatang bumubuo ng 77% at 58% respectively ng total television households nationwide.Ang ABS-CBN, lumuluwag ang kapit sa maliliit na markets ng Urban Visayas at Urban Mindanao na karampatang bumubuo ng 13% at 10% ng total urban television households sa bansa.Paboritong primetime viewing habit ang GMA Telebabad (6:00 PM-12:00 MN) sa mahahalaga at cost-efficient areas ng Urban Luzon at Mega Manila.Dahil sa pagtangkilik ng mga tao rito, naungusan ng GMA ang ABS-CBN ng 1.7 points sa Urban Luzon sa pagtatala ng 34 points kumpara sa 32.3 points ng huli.
0 comments:
Post a Comment