MANILA, Philippines - Panalo ng tatlong major awards ang GMA News and Public Affairs sa katatapos lamang na 2011 COMGUILD Awards. Kasama na rito ang award para sa best news program na iginawad sa 24 Oras, ang flagship primetime newscast ng GMA Network.Nanalo rin sa 2011 COMGUILD Awards sina GMA News pillar Arnold Clavio bilang... best entertainment talk show host (para sa Tonight With Arnold Clavio ng GMA News TV Channel 11) at senior reporter Jiggy Manicad bilang best male field reporter of the year.Nakamit ni Clavio, anchor ng Saksi (GMA 7) at Balita Pilipinas (GMA News TV Channel 11) at host ng Rescue (GMA 7) at Tonight With Arnold Clavio (GMA News TV Channel 11), ang 43.45% ng boto mula sa mga judges; habang 22.5% lang ang nakuhang boto ng pumangalawa sa kanya.Sabi ni Clavio ng tanggapin niya ang award, “Nagsimula po ako sa isang payak na pamilya sa Tondo, Maynila – produkto ng public schools sa elementarya at high school, working student noon sa UST at ngayon isa na pong Kapuso. Kaya tandaan ninyo po mga ’igan, ang kahirapan ay hindi hadlang sa inyong mga pangarap.”Si Manicad naman ay anchor ng 24 Oras Weekend (GMA 7) at ng bagong GMA News TV newscast na NEWS TV QRT (Quick Response Team) na napapanood tuwing 4 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

View the original article here

0 comments:

Post a Comment

Nuffnang